Salamat (Ang Awitin)

by Yeng Constantino

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sa yo ako’y may pag-asa

Ang awiting ito’y para sa yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig sa labi ko
Salamat, salamat

Sana’y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko’y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humiling ng pagkakataon

Masabi ko sa yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ang awiting ito’y para sa yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig sa labi ko
Salamat, salamat

Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa yo ako’y lalaban, ako’y lalaban

Ang awiting ito’y para sa yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig sa labi ko
Salamat, salamat

Print Lyrics

  

Other lyrics from Yeng Constantino

Cool Off
Hawak Kamay
If We Fall In Love
Ikaw Lang Talaga
Love To Hurt
Pangarap Lang
Tell Me Now
Time In

  Home
  Lyrics
  Search
  Submit Lyrics
  View Submissions
  Request Lyrics
  View Requests
  Links